KUWANISMO


15 HINDI LAMANG
​Hindi lamang ito isang Tula.
Hindi lamang ito isang Kuwento.
Hindi lamang ito isang Dula.
Hindi lamang ito isang Palabas.
Hindi lamang ito isang Sanaysay.
Hindi lamang ito isang Lathalain.
Hindi lamang ito isang Balita.
Hindi lamang ito isang Opinyon.
Hindi lamang ito isang Pagsulat.
Hindi lamang ito isang Pagbasa.
Hindi lamang ito isang Pagbigkas.
Hindi lamang ito isang Musika.
Hindi lamang ito isang Sining.
Hindi lamang ito isang Buhay.
​Hindi lamang ito isang Kasaysayan
Ito ay isang Kuwan.

SULIRANIN
​Ano ang Kuwan?
​KUWAN (Sp.) pron. An expression used for what one
​cannot immediately recall or exactly express.
(See ANO)
Kahit ano sapagkat ang lahat ay sining at panitikan.

Sino ang Kuwan?
​Kahit sino dahil ang lahat ay artista at panitikero.

Kailan ang Kuwan?
Kahit kailan sapagkat ito ay walang panahon.

Saan ang Kuwan?
​Kahit saan sapagkat ito ay walang pook.

Bakit ang Kuwan?
Sapagkat . . .

Paano ang Kuwan?
​Ganito at ganoon.

​BALANGKAS
​Bisyon ng Kuwan
Buklurin ang siyam na Diwata ng Sining at dagdaganng ikasampu -- Kuwan.

​Misyon ng Kuwan
​Lumikha para sa Diyos, Kalikasan, Bayan, at Tao.
Akapin ang Positibong Puwersa.
Buhayin ang Tradisyon sa makabagong Panahonat Pook.
Ilabas ang Loob.
Naising maging Buo.
Lagyan ng pagkakataon ang Tsamba at Tsansa.
kasal ang Anyo sa Nilalaman.
Maniwalang kailangan ng Diwa ang Damdaminat ng Damdamin ang Diwa.
Alalahanin ang kapakanan ng Iba.
Lakasan ang pagtitiwala sa kakanyahanat kakayahan ng Talino.
Asahan ang Popularisasyon, Intelektuwalisasyon, atIstandardisasyon ng Wika.
Maglibang sa Panlilibang, mag-aralsa
Pagbibigay-aral.
​Ambisyonin ang pagiging pandaigdig ng Filipino.
​Nasain ang Pagtuklas at Pagsusuri.
Gamiting gamot ang sining.

vimnadera.com